#DantePH Tropical Storm na

#DantePH Tropical Storm na

May 31, 2021 @ 6:30 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Lumakas pa ang bagyong Dante ngayong Lunes, Mayo 31 kung saan makararanas ng mga pag-ulan ang Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon, at Misamis Oriental.

Iniulat na wala namang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal, batay sa PAGASA.

Sa datos sa ganap na 10 p.m., Linggo, namataan ang bagyong Dante sa layong 625 km silangan ng Davao City.

Taglay nito ang 65 km/h na hangin malapit sa gitna at pagbugsong 80 km/h.

Ibinabala naman ang posibilidad ng pagbaha o pagguho ng lupa sa kasagsagan ng buhos ng ulan, kulog, at kidlat. RNT/FGDC