DAPAT GAWIN KAPAG MAY UBO  SA “KWENTONG VIRAL NEWS WEBINAR”

DAPAT GAWIN KAPAG MAY UBO  SA “KWENTONG VIRAL NEWS WEBINAR”

July 21, 2021 @ 11:30 PM 7 days ago

  •  
  •  
  •  

SA panahon ng pandemic, “Mahirap sabihin na yung ubo is due to COVID-19. Ang importante kapag nagka-ubo ka, protect others. Mag-isolate na kayo muna,” sabi ni Dr. Joseph Adrian Buensalido, Infectious Diseases Specialist.

 

Over-the-counter medicines tulad ng carbocisteine ay makakatulong na maibsan ang sintomas tulad  ng ubo na makapal at mahirap ilabas ang plema.  Ang mga supplement tulad ng Zinc ay maaaring magpalakas ng immunity para labanan ang mga virus at bacteria.

 

Paano nakakatulong ang carbocisteine at zinc para gumaling sa ubo

 

Pinaluluwag ng mga mucolytic tulad ng carbocisteine ang paghinga sa pamamagitan ng pagpalabnaw ng malagkit na plema para mas madaling iubo.  Sinabi ni Dr. Gwen Agra, Internist at Pulmonologist, ang isang pag-aaral kung saan nakitang ang carbocisteine ay nakakapigil sa pagdami ng rhinovirus (common cold) sa human airway cells at binabawasan ang inflammatory chemicals.

 

“Ibig sabihin meron din siyang konting anti-inflammatory effect at nakakatulong din siyang magsuppress ng virus hindi lang sa common cold, meron din sa influenza,” dagdag ni Dr. Agra.

 

Ang Zinc naman ay mahalaga para sa paglakas ng immunity.  Sa katunayan, may mga pag-aaral na nakitang napapagaling ng Zinc ang common cold dahil sa pagpapalakas ng immunity o naturalesa ng katawan. 

 

“Nababawasan niya ng mga dalawa hanggang tatlong araw yung illness. At ang Zinc, magaling siya actually sa viruses kasi ang number one cause ng karaniwang sipon ay rhinovirus at ang number two, even before the pandemic, ay coronavirus,” paliwanag ni Dr. Buensalido.

 

Ang mucolytic at anti-inflammatory properties ng Carbocisteine kasabay ng Zinc para sa immunity ay malakas na kumbinasyon laban sa ubo na sanhi ng virus.

 

Sa isang lokal na pag-aaral na ginawa ni Dr. Agra at ng kanyang grupo sa mga pasyenteng may non-bacterial na ubo, nakitang sa kumbinasyon ng Carbocisteine at Zinc bilang gamot ay nabawasan ang tindi ng ubo ng virus sa loob ng 3 araw at tuluyang gumaling sa loob ng 5 araw kung ikukumpara sa 10 hanggang 14 na araw na paggaling. 

 

Watch the full webinar here: https://www.facebook.com/watch/live/?v=207174681273728&ref=watch_permalink


  •  
  •  
  •