DAR Cavite ‘high-tech’ sa pagsuri sa antas ng pag-unlad ng mga ARC, ARBO

DAR Cavite ‘high-tech’ sa pagsuri sa antas ng pag-unlad ng mga ARC, ARBO

January 21, 2022 @ 6:30 PM 8 months ago


MANILA, Philippines- Upang masuri ang antas ng maturity ng organisasyon ng farmers agrarian reform communities (ARC) nagsagawa  ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa lalawigan ng Cavite ng serye ng information technology-enabled assessment system (IT-eASy) para sa agrarian reform communities (ARCs) at agrarian reform beneficiaries organizations (ARBOs), partikular sa F. de Castro, General Mariano Alvarez at Pasong Kawayan II, General Trias, upang malaman ang antas ng pag-unlad ng mga ito.

“Kailangang  masuri ang antas ng pag-unlad ng organisasyon ng mga ARC at ng ARBO para malaman ng DAR ang mga basic at advance interventions na ibinigay sa mga grupong ito kaugnay sa land tenure improvement, agrarian justice delivery at epektibong paghahatid ng suportang serbisyo,” ani DAR-Cavite Provincial Agrarian Reform Program Officer II James Arthur T. Dubongco.

Sa press release sinabi ni Dubongco na karamihan sa mga agrarian development intervention na ibinibigay sa mga magsasaka ay idinadaan sa mga ARBOs at ARCs dahil sila ay binubuo ng mga magsasaka na nagkakaisa sa kanilang layunin na paunlarin ang kanilang agrikultura at pamumuhay, kaya aniya mas alam nila kung ano ang dapat unahin sa mga kinakailangan ng organisasyon.

“Ang pamumuhunan, ayon  sa mga programa, proyekto at mga interbensyon ay nakatuon sa mga ARCs,” sabi niya.

Kaugnay nito sinabi ni Dubongco na sinimulan ng DAR Cavite ang pagtatasa ng IT noong Disyembre 2021 at nitong Enero 2022 ay may apat (4) na ARCs, pitong (7) ARBOs at limampung (50) agrarian reform beneficiaries (ARBs) na ang nasuri.

Ibinunyag niya na mula noong 1993, pinagtibay ng DAR ang pagbuo ng mga ARCs bilang pangunahing istratehiya nito upang maisulong ang paglago ng ekonomiya at pag-unlad sa kanayunan. Natukoy sa istratehiyang ito ang limang (5) antas ng pagbuo ng ARC, simula sa unang antas bilang pangunahing interbensyon at ika-limang antas bilang advanced stage ng pagkakaloob ng tulong mula sa DAR at iba pang ahensya.

Samantala ipinahayag ni Dubongco na sa General Mariano Alvarez ARC lamang ay binubuo ng tatlong (3) ARBOs, ang Agrarian Reform Beneficiaries Association, Gen. Mariano Alvarez, Cavite (ARBAGMAC), Brgy Kua Farmers, Owners, Workers Association (BKFOWA) and LUZVIMIN MPC.

Sinabi ni Caesario Mullet, Chairman ng Agrarian Reform Beneficiaries Association, Gen. Mariano Alvarez, Cavite (ARBAGMAC), na dahil sa pandemya, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng kooperatiba at sa kasalukuyan ay plano nilang mangutang sa ilalim ng Agrarian Production Credit Program (APCP) upang makabawi. Santi Celario