Pagpapalakas ng yellow corn industry, isinusulong sa Senado

January 27, 2023 @4:15 PM
Views: 5
MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Cynthia A. Villar sa kapwa mambabatas na maipasa ang kanyang panukalang batas na magpapalakas sa yellow corn industry dahil sa kahalagahan nito sa poultry.
Sa pahayag, sinabi ni Villar na layunin ng Senate Bill No. 120 o an Act to Develop and Promote the Yellow Corn Industry, to Enhance Availability of Affordable and Quality Feeds, and to Provide for a Corn Competitiveness Enhancement Fund, upang itaas ang produksiyon ng mais at maibenta sa murang halaga para sa livestock at poultry sector.
“This can be achieved by institutionalizing mechanization, hybrid seeds propagation and distribution, credit, extension and training, provision of insurance, marketing, organization of farmers, among others,” sabi pa ng chairperson ng Senate committee on Agriculture and Food.
Inihayag din ni Villar na isa sa pangunahing agricultural crops sa bansa ang yellow corn na gamit bilang livestock and poultry feeds.
“It is a rainfed crop, requires simple land preparation, and can be grown in upland, even in sloping areas. It is usually harvestable after 55 – 75 days. It is mainly used for livestock and poultry feeds,” sabi pa ng Senador.
Aniya, mas pinipili ang mais bilang pagkain/patuka dahil sa mataas nitong carotene content. May 50% ng sangkap ng patuka (feeds) ay yellow corn.
Bagama’t patuloy ang pagtaas ng produksyon ng yellow corn simula 2017 base sa Philippine Statistics Authority (PSA), iginiit ni Villar na hindi ito sapat sa kailangan ng livestock and poultry sector.
Binigyan diin niya na hindi matugunan ng ating produksyon ang kailangan ng bansa na 8.8 million tons.
Dahil dito, sinabi ni Villar na patuloy tayo sa pag-iimport ng mais, patuka (feeds) at iba pang sangkap ng patuka na nakaaapekto sa kita at kapakanan ng mga magsasaka ng mais.
Bukod sa importasyon, apektado rin ang corn farmers ng mataas ng halaga ng inputs, klima, peste at mga sakit.
Ang National Corn Program, ang banner program ng Department of Agriculture, ang tugon ng pamahalan sa mga hamong kinahaharap ng corn industry.
Pero sa kabila ng programa, dismayado pa rin ang senador na napag-iiwanan ang paglago ng industriyang ito.
“Our corn farmers are still dealing with these issues even if there has been sufficient budget given to the program through the years,” ayon kay Villar.
Mulo siyang nanawayan na isulong at palakasin ang corn industry dahil magreresulta ito sa mas angat na livestock, poultry and dairy industries. Ernie Reyes
P500K pork products nasabat sa Negros Occidental

January 27, 2023 @4:02 PM
Views: 15
MANILA, Philippines – Aabot sa P500,000 halaga ng karneng baboy at iba pang poultry products ang nasabat sa Negros Occidental at sa Bacolod City sa unang tatlong linggo ng Enero.
Ayon kay Dr. Placeda Lemana, acting provincial veterinarian, nitong Huwebes, Enero 26 ay nasa 331.75 kilo ng assorted pork-products ang nasabat ng African Swine Fever Task Force mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa mga pantalan, checkpoint at palengke sa probinsya mula Enero 1 hanggang Enero 22.
Mula Enero 14 hanggang Enero 20 naman, nainspeksyon ng quarantine team ang nasa 3,592 paparating na sasakyan at refrigerated container van sa mga checkpoint sa probinsya at tanging ang mga produktong may kumpletong dokumento ang pinapayagan nilang pumasok.
Matatandaan na ipinatupad ang ban sa pagpasok ng pork at poultry products sa probinsya para maprotektahan ang local poultry industry sa banta ng African swine flue. RNT/JGC
PH, Malaysia sanib-pwersa vs maritime crimes

January 27, 2023 @3:49 PM
Views: 17
MANILA, Philippines – Palalakasin ng Philippine Coast Guard (PCG) at Malaysian Maritime Enforcement Agency ang paglaban sa krimen sa dagat na naghahati sa teritoryo ng Pilipinas at Malaysia.
Ito ay matapos magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang bansa sa pangunguna ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu.
Kabilang sa tinalakay ay ang mga banta at hamon na kapwa kinakaharap ng dalawang bansa base sa umiiral na mga batas.
Gayundin ang posibilidad nang magkasamang pagsasanay sa pag-iimbestiga at pagtugon sa mga insidente sa karagatan. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P21M medical assistance sa indigent patients ipinagkaloob ng BARMM

January 27, 2023 @3:36 PM
Views: 19
MANILA, Philippines – Naipagkaloob na ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang P21 milyon halaga ng libreng medical assistance sa indigent patients sa rehiyon.
Ayon Ministry of Social Services and Development (MSSD) Atty. Raissa Jajurie, ibinigay ng ahensya ang P21 milyon halaga ng tseke nitong Huwebes, Enero 26 kay Mercury Drug Cotabato branch manager Daniel Ulep para magpasalidad sa pagbibigay ng libreng gamot sa mga pasyente.
Sa ilalim nito, maaaring makakuha ng libreng gamot ang mga pasyenteng may hawak na referral mula sa MSSD sa mga branch ng Mercury Drug sa mga lungsod ng Cotabato, Tacurong, Iligan at Zamboanga; maging sa mga bayan ng Midsayap at Kabacan sa North Cotabato.
Ani Jajurie, layon nito na palakasin pa ang pagbabahagi ng Bangsamoro Critical Assistance for Indigents in Response to Emergency Situations (B-CARES) program ng MSSD para sa mga indigent patients na mangangailangan ng gamot.
Samantala, sasailalim sa interview ang pasyente o authorized representatives nito upang malaman kung kwalipikado ang mga ito bilang benepisyaryo ng naturang programa.
“Once deemed qualified, a guaranty letter will be issued, and they can proceed to Mercury Drug to get the medicine,” aniya.
Ang mga pasyenteng mangangailangan ng tulong ay maaaring magtungo sa opisina ng MSSD at ipakita ang reseta ng doktor kabilang ang date of issuance ng prescription, kumpletong pangalan, PRC license number at pirma ng umatending doktor.
“Through this, the indigent patients or a representative will no longer go through a tedious process of seeking assistance from BARMM,” sinabi pa ni Jajurie.
Samantala, nangako naman si Ulep na patuloy na magbibigay ng tamang gamot at serbisyo ang Mercury Drug sa indigent patients.
“Hopefully, this program will continue to help make life easy for indigents, especially those in need of immediate medication,” sinabi pa niya. RNT/JGC
80 distressed OFWs mula Kuwait nakauwi na

January 27, 2023 @3:23 PM
Views: 25