DAR maglalaan ng P10B sa pagsasakatuparan ng ‘dignified goals’ ni PBBM para sa mga magsasaka

DAR maglalaan ng P10B sa pagsasakatuparan ng ‘dignified goals’ ni PBBM para sa mga magsasaka

October 30, 2022 @ 2:10 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Alinsunod sa naging direktiba ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ipamahagi ang mga lupain  ng libre at paigtingin ang probisyon ng “support services” sa mga magsasaka, pinangunahan ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang 150th meeting ng Presidential Agrarian Reform Council Executive Committee (PARC ExCom), araw ng Biyernes, Oktubre 28.

“I was tasked by the President, being the Vice-Chairman of the PARC, to convene this very important meeting, to use the remaining PHP10 billion of the Agrarian Reform Fund (ARF) to realize his dignified goals for our farmers,” ayon kay Estrella.

Sa nasabing pulong, naipahiwatig nito ang determinasyon na i-adopt ang rekomendasyon ng Pangulo para sa pagpapalabas at utilization ng P10 billion mula sa  ARF balance,  na gagamitin para sa :

  • Landowners compensation, na may halagang P1.4 bilyon para sa documented landholdings na may pending claims na “due for payment”;

  • Support services budget, na may P7.85 bilyon para sa implementasyon ng mga proyekto kabilang na ang  agri-extension services, pamamahagi ng  farm input support at farm machineries sa agrarian reform beneficiaries, infrastructure development at public works projects;

  • Karagdagang P500 milyon para sa administrative at operating expenses na kailangan para sa implementasyon ng mga nasabing components ng  agrarian reform program; at

  • Institutional human resources para sa capacity development programs, P250 milyon para bigyang kapangyarihan at paghusayin pa ang kakayahan ng departamento para sa epektibong implementasyon.

Sa nasabing pulong, sinabi ni  Estrella na nangako  ang mga miyembro ng  Dalawang Kapulungan ng Kongreso sa Pangulo na ipapasa ng mga ito ang  “New Emancipation Act”  para sa mga landless farmers ngayong Disyembre.

“This bill would enable the Department of Agrarian Reform (DAR) to distribute free lands to the farmers,” aniya pa rin.

Makalilikha aniya ito ng malakas na  impact sa mga  magsasaka kasama ang pinaigting na probisyon na kinakailangang   support services upang ang kanilang lupain ay maging mas produktibo para makalikha ng maraming kita.

“I believe that this is a historic executive meeting because this gathering will not just improve the lives of the farmers, but it will also have a beneficial effect in our agricultural sector,” wika nito. Kris Jose