DAR nakiisa sa kampanya vs karahasan sa mga kababaihan

DAR nakiisa sa kampanya vs karahasan sa mga kababaihan

December 13, 2022 @ 1:28 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Upang wakasan ang karahasan laban sa kababaihan nakiisa sa pamahalaan ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Focal Point System sa pagsisikap nitong wakasan ang violence against women (VAW) sa buong bansa.

Ayon sa DAR ang 18-araw na kampanya, na nagsimula noong Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12, ay may temang “United for a VAW-free Philippines.”

“The campaign aims to highlight the gains and milestones achieved in the efforts to prevent VAW in the country. It also seeks to address and assess the implementation and strengthening of VAW-related laws in the country,” ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella III, ani DAR Secretary Conrado Estrella III, na siyang namumuno sa GAD steering committee ng ahensya.

“The DAR is joining this nationwide campaign to gain the support of the general public to make a personal commitment to end violence against women and children,” dagdag pa ng Kalihim.

Sinabi ni Estrella na partikular na nilalayon ng kampanya na isulong ang kamalayan sa mga anyo ng karahasan na nararanasan ng kababaihan at kabataang babae, magbigay ng impormasyon sa mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan, at magtampok ng mga serbisyong nauugnay sa VAW na maaaring magamit at mapakinabangan ng mga tao.

Kaugnay nito ang DAR ay nagsagawa ng isang serye ng mga pag-uusap tungkol sa mga anyo ng karahasan na nararanasan ng kababaihan at mga bata, at isang oryentasyon sa mga batas na nagpoprotekta sa kababaihan at kabataang babae.

Inimbitahan na magsalita si Amihilda Sangcopan, DAR Undersecretary for Office of Mindanao Affairs, na magsalita sa mga kasalukuyang batas ng bansa sa pang-aabuso laban sa kababaihan at mga bata.

Sinabi ni Sangcopan na tumindi ang karahasan sa kababaihan lalo na sa panahon ng covid-19 pandemic. Ang mga community lock-down na naganap ay nagpataas ng karahasan laban sa mga kababaihan. Sinabi niyang ang mahigpit na pag-uutos sa pananatili sa bahay ay naging dahilan para ang mga biktima ay makulong sa bahay kasama ang nang-aabuso sa kanila.

Sa kanyang talumpati, hinimok niya ang mga kababaihan na maging matapang at magsalita kung sila ay inabuso. Ipinaliwanag niya ang mga batas na maaaring magprotekta sa kanila at ipinaalam sa kanila kung saan sila pupunta upang humingi ng tulong kung natatakot silang makipag-usap sa kanilang mga pamilya.

“As long as women stay silent, abuse and violence against women will continue to happen,” ayon kay Sangcopan. Santi Celario