Darna ‘di nakaligtas sa lamok, UTI

Darna ‘di nakaligtas sa lamok, UTI

December 1, 2022 @ 12:57 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Sa kanyang Instagram account nitong November 30,  humingi ng paumanhin si Jane de Leon sa kanyang mga tagahanga dahil tinamaan siya ng iba’t ibang karamdaman.

Over fatigue ang itinuturong salarin sa likod ng pagkakaroon ni Jane ng dengue, UTI o urinary tract infection, among others.

Jane who plays Darna in ABS-CBN’s primetime series apologized to her fans for being inactive on social media.

Sa panayam ng Philstar sa kanyang inang si Marie, bukod sa mga nabanggit na sakit for which her daughter tested positive ay nagsusuka ito.

Pero wala raw dapat ikabahala ang mga tagahanga nito dahil nagpapagaling ito sa kanilang tahanan.

Puro soft diet daw muna ang kinakain ni Jane.

Sinang-ayunan naman ni Marie ang post ng anak na over fatigue o sobrang pagkapagod ang sanhi ng pagkakaroon nito ng dengue at UTI.

Bukod sa mga ito, idagdag pa ang LBM o loose bowel movement ay napag-alamang meron ding acute tonsilitis si Jane.

Understandable naman kung sagad si Jane sa trabaho dahil sa physical demands ng kanyang ginagampanang papel bilang Darna.

Puwera pa rito ang pag-iikot niya sa ilang bahagi ng Kamaynilaan para i-promote ang kanyang serye.

Kamakailan, nabalitang umangkas si Jane sa jeep at nag-ikot sa palengke to the delight of starstruck fans.

Dahil sa kanyang sakit, may nabalam na taping schedule ng Darna. Ronnie Carrasco III