Darren Espanto, na-expose sa COVID, concert hindi tuloy!



Darren Espanto, na-expose sa COVID, concert hindi tuloy!

May 14, 2021 @ 4:50 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naka-self-quarantine ngayon si Darren Espanto. Ito’y matapos ma-expose ang singer sa isang taong dinapuan ng COVID-19.

Malungkot na balita ito sa kanyang mga tagahanga na nag-aabang ng kanyang dapat sana’y homecoming virtual concert sa May 30 at 31. Php699 ang presyo ng ticket ng nasabing concert.

Matagal din kasing namalagi si Darren sa Canada noong manalasa ang pandemya.

Maaari pa rin namang mapanood si Darren dahil ni-reset na sa June 19 at June 20 ang schedule.

Wala itong ipinagkaiba sa Valentine concert ni Regine Velasquez na inihanap ng ibang petsa dahil na-expose ang Asia’s Songbird sa taong nagkaroon din ng killer virus.

Samantala, marami ang nakapansin sa laking iginanda ng katawan ni Darren. Kaso, mukhang awkward daw ito kung matinis pa rin ang kanyang boses ‘pag kumanta. Ronnie Carrasco III


  •  
  •  
  •