Darren, idinenay si Cassy!

Darren, idinenay si Cassy!

August 5, 2022 @ 4:28 PM 1 week ago


Manila, Philippines – Masaya ang naging bonding ng cast ng Lyric and Beat na kinabibilangan nina Darren Espanto, AC Bonifacio, Jeremy Glinoga, Angela Ken at Awra Briguela na nakunan sa isang video.

Sa vlog ng Squad, ginoggle ni Darren ang kanyang sarili at pinagtulungang sagutin ng kanyang mga cast members ang mga katanungang what, why, when, where sa buhay ng singer-actor.

Sa tanong kung ano ang height ni Darren, naging guessing game ito para sa mga kakulitan niyang cast.

Sa naturang vlog, natanong din kung ano ang net worth o gaano kayaman ang dating Voice Kids finalist.

Binasa rin ni Darren ang mga tanong kung bakit hindi siya married, kung tenor o bass ba siya o soprano o sa nakakalokang tanong kung bakit wala siya sa jail.

May nagtanong din kung belong ba siya sa Iglesia ni Cristo.

Aniya, isa raw siyang Katoliko at hindi miyembro ng INC bagama’t ang matalik niyang kaibigang si AC ay isang kapanalig ng nasabing relihiyon.

Sa tanong naman kung sino ang idini-date niya, nagpaka-safe lang ang crooner.

Inurot din siya sa tanong kung nililigawan niya ang Kapuso actress na si Cassy Legaspi.

Dati na kasing napapabalitang nililigawan niya ang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Katunayan, maging sa social media ay maraming nagpapalagay na more than friends na ang kanilang relasyon lalo pa’t may pa-impress pa siyang mga regalo noon sa mga Legaspi sa ilang okasyon.

Gayunpaman, nilinaw ni Darren na hindi niya nililigawan si Cassy.

Ibinida rin ni Darren na isa siyang Canadian citizen at permanenteng naninirahan sa Alberta sa Canada.

Napag-usapan din doon ang kanyang first acting experience at kanyang body of works as a singer and performer.

Speaking of Cassy, si Andrei Paras ang naging date ng Kapuso actress sa ginanap na GMA-7 thanksgiving gala sa isang pamosong hotel sa BGC.  Archie Liao