Darryl Yap, i-ban sa Bicol!

Darryl Yap, i-ban sa Bicol!

August 5, 2022 @ 9:45 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Strike 2 na ang direktor na si Darryl Yap.

Sa pagkakataong ito, may panawagan via change.org na sa Bicol naman siya i-ban.

Siyempre, may kinalaman dito ang kanyang latest project, ang kontrobersyal na Maid in Malacanang.

Kaso, marami ang nagtataka kung bakit may ganitong panawagan samantalang sa kabuuan naman daw ng pelikula ay hindi man lang nabanggit ang Bicol.

Kahit nga raw ang eksenang may ka-mahjong-an si Cory Aquino played by Giselle Sanchez ay walang reference sa religious order ng mga madre.

Duda ng marami, isa raw itong black propaganda laban sa pelikula lalo’t balitang naka-P21 million ang kinita nito sa unang araw ng showing.

Kung tototohanin ang ban na ito, this is direk Darryl’s second sanction.

Nauna na siyang idineklarang persona non grata sa Quezon City along with Ai Ai de las Alas.

Matatandaang pinaratangan sina Ai Ai at Darryl ng pambabastos sa official seal ng lungsod sa campaign video nitong nagdaang eleksyon.

Pero all’s well na sa pagitan nina Darryl at QC Mayor Joy Belmonte nang magsadya ang direktor sa tanggapan ng huli.

Samantala, bukas ang Remate Online sa panig ni direk Darryl. Ronnie Carrasco III