Dasmariñas City, wagi sa Masskara chess games sa Bacolod

Dasmariñas City, wagi sa Masskara chess games sa Bacolod

October 26, 2022 @ 7:08 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Wagi sa kauna-unahang Masskara Festival National Chess Championships sa Bacolod City ang Dasmariñas City’s young chess players.

Maliban sa tropeo ay nag-uwi din ang mga chess players ng Dasmariñas ng P150,000 cash prize matapos nitong matalo ang General Santos City team sa two-game championship format.

Ang Dasmariñas team na binubuo ng 5 players ay suportado ng mag asawang sina Dasmariñas Mayor Jeniffer Barzaga at Cavite Rep Elpidio Barzaga Jr., nabatid na ang mga players ay pawang chess masters na ang edad ay 20 anyos pababa,

Kabilang sa team ang international master (IM) na si Daniel Quizon (board 1); International Chess Federation (FIDE) master Roel Abelgas (board 2), international master Michael Concio Jr. (board 3); national master Mark Jay Bacojo (board 4) at national master Christian Gian Karlo Arca.

Maging ang Dasmariñas Women’s Team (Team B) ay wagi din sa Masskara Festival na nasungkit naman championship sa All Women category.

Ang team ay binubuo nina Mary Antoinette San Diego (board 1), Kylen Joy Mordido (board 2), Jerlyn Mae San Diego at Darren Dela Cruz.

“The city’s young male and female chess players are currently preparing for international and national competition in the coming days,” ayon kay Barzaga.

Ang unang Masskara National Inter-Provinces, Cities, Municipalities Chess Championships ay ginanap noong Oktubre 12 hanggang 15 sa Forest Park Garden Water Resort sa Bacolod City. Gail Mendoza