Data aggregators muling iniimbestigahan ng NPC sa laganap na text scams

Data aggregators muling iniimbestigahan ng NPC sa laganap na text scams

October 3, 2022 @ 11:10 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Muling iniimbestigahan ng National Privacy Commission (NPC)  ang data aggregators  para sa  sinasabing  di umano’y partisipasyon nito o pagiging bahagi ng paglaganap ng text scams,  tatlong linggo matapos na  i-downplay ng ahensiya ang mga  data firms sa nasabing kontrobersiya.

Sa isang panayam, sinabi ni NPC Deputy Commissioner Leandro Angelo Y. Aguirre na “over the weekend”  binago ng mga scammers ang kanilang  methods para makapangloko ng tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang target na biktima ng ‘sensitive personal details’.

“There are now sender IDs again that are, for example, pretending your bank account has been compromised, saying to click this link. SIM (subscriber identification module) cards are not used in these instances. It looks like data aggregators were used,” ayon kay Aguirre.

At nang hingan naman ng komento kung mas mahihirapan ang mga awtoridad na tugisin ang mga manunuba na ito, sinabi ni Aguirre na mas nahihirapan silang hulihin ang mga gumagamit ng  pre-paid SIM cards sa pagpapadala ng scam text messages.

“These aggregators, we can go to them directly, find out who their clients are, and determine which one of their clients sent the message,” ayon kay Aguirre.

Sa tanong naman kung awtomatikong pananagutin ang mga data aggregators  sa usapin ng privacy intrusions, ‘hindi” ang naging sagot ni Aguirre, ang katuwiran nito ay dapat na ibunton ang sisi sa client firms na ang accounts ay maaaring ma-hack.

“It’s possible that the official account of ‘XYZ’ company was compromised in using the platform of the data aggregator,” ani Aguirre.

Samantala, sinabi ni Aguirre na ang kanilang imbestigasyon ay nagsanga sa dalawang fronts – “continuing the investigation on the recent spate of personalized text scams while now looking simultaneously at this relatively new method of scamming mobile phone users.” Kris Jose