Data center ng pamahalaan walang badyet, manggagawa – DICT

Data center ng pamahalaan walang badyet, manggagawa – DICT

September 21, 2022 @ 9:25 AM 4 days ago


MANILA, Philippines – Kakulangan sa badyet at kawalan ng manggagawa, ito umano ang dalawang dahilan na pumipigil upang hindi pa makapagpatayo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng isang government data center.

Inihayag ni DICT Undersecretary David Almirol Jr. ang naturang suliranin nitong Martes, Setyembre 20 kasabay ng pagdinig ng Senate finance committee para sa proposed P7.23 bilyon badyet ng ahensya sa 2023.

“As of now, DICT is on sariling sikap. When I check the capacity — the research and development capacity, which includes cybersecurity — we really lack people. Another problem aside from the budget is that the salaries of the IT are quite low. That’s nobody stays: There’s no sustainability,” ani Almirol nang tanungin ni Senador Nancy Binay tungkol sa planong data center.

“That’s why, with your help, maybe you can help us on how to expand not only the budget but also to upscale it,” dagdag pa niya.

Kung maitatatag, mapag-iisa na ng government data center ang lahat ng impormasyon sa buong Pilipinas malayo sa kasalukuyang sistema na kalat-kalat at hindi organisadong information systems. RNT/JGC