Data privacy issues sagabal sa koordinasyon ng PNP, PDEA sa DOJ sa drug war review —Guevarra

Data privacy issues sagabal sa koordinasyon ng PNP, PDEA sa DOJ sa drug war review —Guevarra

May 30, 2021 @ 3:59 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Dahil sa Data Privacy Act nahihirapan ang Department of Justice sa koordinasyon sa Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency sa ukol sa imbestigasyon sa drug war.

“Nahihirapan kami, honestly, dahil hindi makuha ang full cooperation ng law enforcement agencies. Understandably ito siyempre nag-aalala ang mga tao roon dahil in the end, baka sila kasuhan kapag nagbigay sila ng information,” giit ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa isang panayam sa dzBB.

“Somehow may concern ang PDEA and PNP about data privacy law. Baka ‘di aayon ang gagawin nila kung magbibigay sila ng impormasyon sa data privacy law,” punto ng DOJ chief.

Ngunit aniya aprubado na ng Data Privacy Commission ang pagbabahagi ng impormasyon ukol sa drug war.

Dagdag pa ni Guevarra na bumagal ang imbestigasyon dahil sa pandemya. RNT/ELM