Data privacy law hamon sa contact tracing

Data privacy law hamon sa contact tracing

August 10, 2020 @ 12:54 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Aminado si Interior Secretary Eduardo Año na hamon sa bansa ang data privacy law sa pagsasagawa ng contact tracing.

“Isa nating balakid dyan ay yung data privacy law natin, hindi nagbibigay ng full information,” lahad ni Año.

“Halimbawa may mga naconfine sa hospital, pag hiningi natin yung data, ang binibigay lang nila, pangalan ng patient. Walang telephone number, walang address. So another obstacle nanaman yun,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng mga hamon, nakikipag-usap na sila sa mga ospital upang makaagapay sa COVID-19 patients.

“Pero pwede naman kasi, without naming the names, provide the details. For example, patient 2051, sumakay sya sa MRT [Metro Rail Transit] ng ganitong oras, ng ganitong araw, siya ay nagtratrabaho sa ganitong building, siya ay umuuwi sa ganitong lugar,” giit pa ni Año.

Sa naunang pahayag, sinabi ng National Privacy Commission (NPC) ang kahalagahan ng contact tracing habang iniingatan ang Data Privacy Act of 2012.

“The public must give accurate information for contact tracing to be effective. But for the public to respond, they must rely on authorities to balance the risks to their rights and security and the promised benefits to public health, with the assurance that their data is processed fairly, lawfully, and securely.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...