Database ng senior citizens sa Pinas, palalakasin

Database ng senior citizens sa Pinas, palalakasin

October 4, 2022 @ 9:14 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Target ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) na mas palawakin pa ang database ng senior citizens kabilang na ang health profiles para sa mas maayos na monitoring.

Ang katuwiran ni NCSC Chairperson Franklin Quijano, ang data ng mga lolo’t lola na kanilang nakolekta ay base lamang sa files ng Philippine Statistics Authority (PSA) at Commission on Population and Development, na aniya’y nangangailangan pa ng mas maraming impormasyon ng mga senior citizens sa bansa.

“Data is broad and general because we get this from the PSA and from POPCOM, but we need to have the details,” ang wika ni Quijano.

“May datos tayo na initial but gusto pa nating ipalalim iyong datos na iyon dahil kailangan nating malaman ang health profile ng bawat senior citizen nang sa ganoon ay makatulong ang ating pamahalaan sa kanilang health programs,” dagdag na pahayag nito.

Aniya pa, nais nilang dagdagan ang database ng mga lolo’t lola upang malaman ang ‘skill set profile’ ng mga ito upang sa gayon ay madaling matugunan ng pamahalaan ang kanilang mga pangangailangan at hinikayat ang mga ito na tumulong sa pagtataguyod ng bansa.

“Aside from advocating for healthy productive aging, the NCSC is pushing for a free annual medical and dental examination for senior citizens,” ani Quijano.

“Health is wealth; Mens sana in corpore sano. All these advocacies will really bring everyone to their toes in creating a stronger country,” aniya pa rin. Kris Jose