Database system vs iligal na droga ikakasa ng PNP

Database system vs iligal na droga ikakasa ng PNP

June 1, 2022 @ 5:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) official snitong Miyerkules na bumubuo ito ng “accurate and accessible” database system para sa kampanya laban sa iligal na droga.

Sinabi ni PNP director for operations Maj. Gen. Valeriano de Leon na sa pamamagitan ng PNP Information Technology Management Service, magsisilbi ang Drug-Related Data Integration and Generation System (DRDIGS) na digital library ng lahat ng datos, intelligence reports, at iba pang impormasyon sa kampanya.

“Numbers and figures help us see an honest evaluation of our progress. In addition, I would like to emphasize that our strategy and field operations should be based on intelligence-driven data. There is no room for speculation when real lives are at stake,” pahayag ni de Leon. “It is essential for us to have operational data in order to have an accurate picture of the situation.”

Inilahad din niya ang kahalagahan ng database sa iligal na droga at sinabing isa sa pinakamalaking isyu na natukoy ang PNP storage ng operational data sa periodic reviews ng kampanya.

Ayon kay De Leon, kapag umarangkada na ang sistema, mas mapangangasiwaan na ang datos at mas mabilis nang makapagibigay ng mga ulat at statistics. RNT/SA