Dating ambassador Jose Apolinario Lozada, Jr. pumanaw na

Dating ambassador Jose Apolinario Lozada, Jr. pumanaw na

July 31, 2018 @ 8:03 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pumanaw na si dating ambassador Jose Apolinario Lozada, Jr. sa edad na 67-anyos, ayon sa kaniyang anak ngayong Martes (July 31).

Nagkaroon ng brain hemorrhage si Lozada at na-confine sa National Kidney and Transplant Institute.

Si Lozada ay nagsilbi bilang adviser for foreign affairs kay dating Pangulo President Fidel V. Ramos at Appointments secretary.

Bilang isang long-time diplomat, si Lozada ay natalaga sa  Austria, Palau, at Holy See.

Siya rin ay naging House representative ng Negros Occidental sa dalawang magkasunod na panunugkulan mula 1998 hanggang 2004.

Sinubukan din ni Lozada na tumakbo sa pagkasenador noong 2010 ngunit nabigong palarin na manalo. Remate News Team