Dating bise alkalde ng Sto. Thomas, Batangas, sugatan sa pamamaril

Dating bise alkalde ng Sto. Thomas, Batangas, sugatan sa pamamaril

July 15, 2018 @ 9:53 AM 5 years ago


 

Batangas – Sinugod sa ospital ang dating vice mayor ng Santo Tomas City, Batangas matapos itong pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek kagabi (July14).

Kinilala ang biktima na si dating vice mayor Ferdinand Ramos, 59-anyos.

Pauwi na sana siya galing simbahan sa Barangay Poblacion 2 nang mangyari ang insidente.

Agad siyang isinugod sa Saint Cabrini Hospital matapos itong makatanggap ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng mukha, ayon sa ulat ng pulis.

Sabi pa ng mga pulis, ang suspek sa pamamaril ay naglakad papaalis sa pinangyarihan ng krimen at sumukay sa naghihintay na motor matapos ang ginawang pag-atake.

Hindi naman nagpaunlak ng komento ang pamilya ng biktima tungkol sa insidente.

Si Ramos ay nagsilbi bilang bise alkalde ng Santo Tomas City mula 2013 to 2016. Natalo siya sa ginanap na reelection noong 2016.

Ang insidente ay kasunod ng kamakailang pamamaril sa mga lokal na opisyal. Sa pagitan lamang ng July 2 hanggang 11, dalawang mayor at dalawang vice mayor na ang napatay sa magkakahiwalay na insidente. (Remate News Team)