Dating direktor ni Liza, ayaw makisawsaw!

Dating direktor ni Liza, ayaw makisawsaw!

March 19, 2023 @ 11:51 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Hangga’t maaari, ayaw magbigay ng anumang komento ni Antoinette Jadaone sa isyung kinapapalooban ni Liza Soberano.

Si Antoinette ang nagdirek ng pelikulang Alone/Together na pinagbidahan nina Liza at real-life boyfriend na si Enrique Gil noong 2019.

Simula’t sapul daw nang pumutok ang isyu kay Liza, the lady director opted never to share her thoughts.

Simple lang daw ang katwiran niya: “Gulo, gulo, gulo, gulo…lalo lang gugulo.”

But from a more philosophical perspective, here’s direk Antoinette’s take.

“No matter how well-intentioned you are, words will find their meaning,” aniya.

Simply put, depende raw ‘yon sa interpretasyon ng tao.

Maaaring maganda naman daw ang hangarin ni Liza as in she meant no harm with anything she said on her This is Me vlog, pero iba-iba ang pakahulugan ng mga taong nakapanood niyon.

“It will always be intent versus impact,” sabi pa ng direktor.

Gayunpaman, direk Antoinette has nice words for Liza kahit matagal nang tapos ang pelikulang pinamahalaan niya.

Aniya, “Liza is kind and very professional.”

Samantala, inalmahan ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz ang paratang ng aktres na tinawag niya itong walang utang na loob.

Depensa ni Ogie: “Hindi ko siya sinabihang wala siyang utang na loob. Ang sabi ko; ‘Be grateful.’ Magkaiba ‘yung magpasalamat ka sa wala kang utang na loob.”

In a sense, may punto nga si direk Antoinette: words will find their meaning.

Problem on semantics, may iba pa ba? Ronnie Carrasco III