Dating DND Chief Lorenzana, bagong BCDA Chair

Dating DND Chief Lorenzana, bagong BCDA Chair

July 7, 2022 @ 7:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Secretary of National Defense (SND) Delfin N. Lorenzana  bilang Chairperson ng  Board of Directors of the Bases Conversion and Development Authority (BCDA).

Nanumpa si Lorenzana para sa kanyang bagong tungkulin ngayong araw ng Huwebes, Hulyo 7.

Ang BCDA ay  isang government-owned and controlled development corporation na nilikha ng isang batas na naglalayong i-develop ang dating US military bases at ari-arian nito.

Ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ang major benificiary nito, ang  BCDA ay nakapag-ambag ng pondo sa AFP Modernization Program sa mga  nakalipas na taon. Kris Jose