Dating factory worker, instant milyonaryo sa lotto

Dating factory worker, instant milyonaryo sa lotto

December 21, 2022 @ 10:58 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Instant milyonaryo ang isang 69-anyos na retiradong factory worker mula sa Valenzuela City matapos na matumbok ang P63-million jackpot sa Super Lotto 6/49.

“Itong mga numerong ito ay galing po sa aking panaginip. Wala pa pong lotto noong 1995. Noong nagkaroon ng lotto, inalagaan ko pa ang mga numero. Hindi ko naman po akalain na ngayon ko po makukuha ang jackpot,” anang maswerteng manlalaro.

Aniya pa na mahigit 27 taon na siyang tumataya sa lotto.

Isang ama ng tatlong anak, sinabi niyang dati siyang kumikita ng P500 kada araw bilang factory worker.

Magtatayo daw siya ng sarili niyang negosyo.

“Ang plano ko is to enjoy life and have my own business. Isa akong dating factory worker. Ngayon ako na ang magiging factory owner,” dagdag pa niya. RNT