Dating import ng Adamson pinalalayas na sa Pilipinas

Dating import ng Adamson pinalalayas na sa Pilipinas

March 15, 2021 @ 9:53 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Naglabas ang Bureau of Immigration (BI) ng deportation order kontra kay dating Adamson University  import Papi Sarr dahil sa magaspang na ipinakita nitong ugali habang nasa Pilipinas.

Ayon sa ulat, inatasan ng BI si Sarr, mula sa bansang Cameroon, na bayaran ang immigration fines, kumuha ng NBI clearance at umalis na sa bansa sa loob ng 30 days matapos matanggap ang order.

Huling naglaro si Sarr sa Soaring Falcons noong 2018 at noong Marso 2020 ay inaresto ito dahil sa pananakot ng school official.

Ayon sa BI, nagpakita si Sarr ng hindi magandang ugali at inaway pa ang paring nagbibigay sa kanya ng dismissal order para sa basketball team.

Sa record ng BI, ang visa ni Sarr ay valid hanggang July 15, 2020, pero hindi na ito nag-file ng counter affidavit matapos  ang reklamong isinumite kontra sa kanya na nag-ugat sa insidente noong Marso 2020.

Humingi ng paumanhin si Sarr sa insidente noong isang taon nang komprontahin niya si Fr. Aldrin Suan, kinatawan ng Adamson sa UAAP Board.

“I love this school and would not have spent seven years of my life here no matter what happened before. It is never my intention to be disrespectful to the priests, to my team and to you all,” ani Sarr sa kanyang social media post matapos ang insidente. Rico Navarro