Dating kongresista, inatake sa puso bago ang SONA

Dating kongresista, inatake sa puso bago ang SONA

July 24, 2018 @ 4:47 PM 5 years ago


San Pablo City – Pumanaw si dating Laguna 3rd District Representative at dating San Pablo City Mayor Florante “Boy” Aquino bago ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ito ng lokal na pamahalaan ng San Pablo City sa kanilang inilabas na public advisory.

Ayon sa mga kaanak ni Aquino na tumangging siya’y pangalanan, nasa Batasang Pambansa ang dating mambabataas para sa ikatlong SONA ni Duterte.

Sinabi ng naturang source ng Inquirer na nasa session hall si Aquino dakong alas-3:00 kahapon nang sumama ang pakiramdam nito.

Nawalan umano ng malay si Aquino sa palikuran at itinakbo ng mga security personnel sa Batasang Pambansa Complex ang dating mambabatas sa Philippine Heart Center.

Gayunman, nasawi rin ito dahil sa heart failure.

Si Aquino ay dating kongresista hanggang noong 1998 at dating alkalde mula 2001 hanggang 2004. (Remate News Team)