Dating member ng Orange and Lemons, papasukin ang pagdidirek sa TV!

Dating member ng Orange and Lemons, papasukin ang pagdidirek sa TV!

August 20, 2022 @ 4:22 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Masarap pala kausap ang dating member ng Orange and Lemons band na si McCoy Fundales. Ilan sa mga kantang pinasikat ng Orange and Lemons ay ang Pinoy Ako, Huwag Kang Matakot, Abot-Kamay, etc.

Si McCoy ang isa sa apat na members ng Orange and Lemons na kilala rin bilang balladeer na ngayon ay nagso-solo na.

Sa latest single niyang “Ang Forever Ko’y Ikaw” ay maraming passage na sinulat niya sa Taglish na nakakaantig ng damdamin.

FYI, bukod sa pagiging composer, si McCoy ay isa ring scriptwriter ng mga comedy shows ng Kapuso network gaya ng Pepito Manaloto, Bubble Gang. Writer din siya ng ibang genre ng show tulad noon sa Dear Uge at ang present ngayong All Out Sunday.

Ani McCoy: “Sa ngayon, first love ko ang scriptwriting. Practical, dito ang source of my income. Pambayad ng bills Ko. Soon, papasukin ko ang pagdi-direk ng TV show.

“Ang pag-compose ng songs ay bigla lang pumapasok sa isip ko. Parang relief din sa akin para maiba sa ginagawa ko kasama na ang pag-awit ng mga kanta ko.”

Mapapakinggan na ang “Ang Forever Ko’y Ikaw” sa Spotify at iba pang music platform. Noel Asinas