Dating military diver, patay habang nagsasagawa ng rescue ops sa Thailand

Dating military diver, patay habang nagsasagawa ng rescue ops sa Thailand

July 6, 2018 @ 1:03 PM 4 years ago


 

Thailand – Patay ang dating military diver matapos siyang maubusan ng oxygen habang nagsasagawa ng rescue sa  na-trap na isang dosenang batang lalaki at football coach sa loob ng isang kuweba sa Thailand, ayon sa opisyal.

Ang kaniyang pagkamatay ay buhat sa delikadong operasyon dahil sinubukan ng team na sagipin ang mga na-trap mula sa ilalim ng kuweba na nagdulot naman ng pangamba kung kakayanin ba ito ng mga bata.

“A former Seal who volunteered to help died last night about 2am,” ani Chiang Rai, deputy governor Passakorn Boonyaluck sa mga reporters at tinawag ang insidenteng, “sad news.”

Ang diver na kinilalang si Saman Kunont ay pabalik na sana mula sa isang bahagi ng Tham Luang cave kung saan naroroon ang grupo nang bigla siyang maubusan ng oxygen.

“On his way back he lost consciousness,” sabi naman ni Thai Seal, commander Apakorn Yookongkaew.

“But even though we have lost one man, we still have faith to carry out our work.”

Nang tanungin naman kung makakaya ba ng mga bata ang paraan na ito kung ang isang propesyunal na diver ay hindi kinaya, sinabi naman ni Apakorn na sila ay magiging mas maingat sa mga bata.

Ang aksidente ay ang una at pinakamalaking dagok sa pagpapatuloy ng rescue na nasimula noong nakaraang dalawang linggo matapos ang team na “Wild Boars” ay mapunta sa kuweba sa northern Thailand pagtapos ng kanilang ensayo. (Remate News Team)