Dating MOMOLAND member, Youtuber na

Dating MOMOLAND member, Youtuber na

July 19, 2022 @ 12:45 PM 4 weeks ago


SEOUL, South Korea – Mukhang makakakuha pa rin ng mga latest ganap ang MOMOLAND fans sa dating miyembro ng grupo na si Daisy.

Ito ay makaraang magbukas ng personal YouTube channel ang dating Kpop artist.

Mismong si Daisy ang nag-anunsyo sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na magiging active na siya sa paggawa ng videos sa Youtube.

Una sa mga ito ay ang kanyang all-English vlog ng naging byahe sa Bali, Indonesia kasama ng kanyang kaibigan.

Matatandaan na kamakailan rin ay nagtapat si Daisy na ang dahilan ng kanyang pagkawala sa MOMOLAND ay dahil sa siya ay tinanggal ng kanyang talent agency. RNT/JGC