Dating MTRCB Chair Morato, dismayado sa pelikula ni Sharon!

Dating MTRCB Chair Morato, dismayado sa pelikula ni Sharon!

July 12, 2021 @ 9:15 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Sa isang panayam, ipinagdiinan ni dating MTRCB Chief Manoling Morato na dismayado siya sa pelikula ni Sharon Cuneta.

Si Morato ay nagsilbing hepe ng nasabing ahensya sa ilalim ng Office of the President mula 1986 hanggang 1992.

Ang pelikula ni Sharon na tinutukoy niya ay ang Revirginized ng Viva Films.

Kuwento niya, noong panahon daw niya lalo’t nakasaad naman sa batas ay bawal ang mga pelikulang may suggestive title. Ginawa niyang halimbawa ang Regal Films-produced movie na Saging ni Pacing na tinurn down niya, “Kagaya nu’ng kay Sharon, ‘yung Revirginized, nagpapahiwatig ‘yon ng kamunduhan.”

Idinamay pa ni Morato ang namayapa nitong ina na mahihinuhang malapit sa kanya, “I know her mom. I knew her well.”

Paglilinaw niya, isang no-no o taboo na maituturing ang mga pelikulang may salacious title o double meaning.

Kasalukuyang nasa Amerika pa rin si Sharon. Pero tiyak ang pag-uwi niya bago ipalabas ang naturang pelikula.

Pero ano kaya ang reaksyon niya na disappointed si Morato sa pelikula niya? Ronnie Carrasco III