Dating nakaaway ni LeBron na si Stephenson sasamahan siya sa Lakers

Dating nakaaway ni LeBron na si Stephenson sasamahan siya sa Lakers

July 11, 2018 @ 3:55 PM 5 years ago


NBA- Pumirma na ng kontrata si Indiana Pacers guard Lance Stephenson para samahan si LeBron James sa Los Angeles Lakers.

Matatandaang nagkaroon ng maraming isyu ang dalawa noong mga nakalipas nilang laro kung saan isa rito ay ang pag-ihip ng 27-year-old na si Stephenson sa tainga ni James para lang ito ay mawala sa pokus at ang ilang insidente ng pag-trashtalk.

“It’s actually funny that I’m actually on the same team as him. I’m very excited to see what that brings,” ayon kay Stephenson. “It’s going to be amazing.”

Napaulat na nasa   $4.5 million ang kontratang pinirmahan ni Stephenson para sa isang taong paglalaro bilang Lakers. (Remate News Team)