Dating National Security Adviser Roilo Golez, pumanaw na

Dating National Security Adviser Roilo Golez, pumanaw na

June 11, 2018 @ 3:45 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Pumanaw na si dating national security adviser Roilo Golez sa edad na 71.

Ito ang kinumpirma mismo ng anak nitong si Parañaque Vice Mayor Rico Golez sa kanyabg twitter account.

Sa ngayon ay wala bang kabuuanb detalye ng dahilan ng kanyang kamatayan.
Nakatakda pa sana itong mag-painterview sa isang istasyon kaninang umaga pero hindi na ito natuloy dahil nagsabi na siyang masama ang kanyang pakiramdam.

Si Golez ay isa sa mga sumusuporta sa adbokasiya ng karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.

Naunang maging Philippine Navy officer si Golez bago manungkulan bilang mambabatas ng anim na termino mula 1992 hanggang 2001.

Taong 2001 nang manilbihan siya bilang security adviser ng administrasyong Arroyo. (Remate News Team)