Dating opisyal ng PCOO, kasama na sa “Team OPS”, nanumpa sa harap ni Cruz-Angeles

Dating opisyal ng PCOO, kasama na sa “Team OPS”, nanumpa sa harap ni Cruz-Angeles

September 10, 2022 @ 11:29 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasama na rin sa “Team OPS” si dating communications official Jusan Vincent “JV” Arcena.

Sa katunayan, isinama siya bilang assistant secretary sa ilalim ng sub-office ng Office of the Press Secretary (OPS).

Pinangunahan ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ang panunumpa sa tungkulin ni Arcena, na itinalaga bilang assistant secretary para sa Office of Press Undersecretary for Special Concerns Marlon Purificacion.

“Pinangunahan natin ngayong araw sa ating opisina ang panunumpa ng bagong nating kasama sa Team OPS na si ASec. JV Arcena na nakatalaga sa Office of the Undersecretary for Special Concerns ,” ayon kay Cruz-Angeles sa kanyang Facebook post.

Sa official Facebook account ni Arcena, pinasalamatan niya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na sumama sa kasalukuyang administrasyon.

“Thank you, PBBM, for the trust and confidence. Rest assured, I will continue to work hard serving the Filipino people,” ayon kay Arcena.

Bago pa ang kanyang bagong posisyon, nagsilbi rin si Arcena sa dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte administration bilang Assistant Secretary for the Office of Global Media and Public Affairs (OGMPA) sa ilalim ng binuwag na Presidential Communications Operations Office (PCOO). Kris Jose