Dating parak, patay sa buy-bust operation sa Laguna

Dating parak, patay sa buy-bust operation sa Laguna

June 18, 2018 @ 1:14 PM 4 years ago


Laguna, Philippines – Patay sa buy-bust operation ang dating pulis na si alyas “Parak” matapos nitong paputukan ng baril ang mga pulis sa Laguna.

Ayon operatiba, nakatunog umano ang suspek na kinilalang si Arnel Magpantay Aguilan alyas “Parak” na pulis ang kaniyang katransaksyon kaya’t pinaputukan niya ang isa sa mga ito tiyaka tumakas kasama ng isa pang suspek.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta ng pagkamatay ni Parak habang ang kaniyang kasama naman na hindi pa nakikilala ay tumakbo papunta sa Infanta Road.

Sinubukan pang itakbo ang suspek sa Pakil General Cailles District Hospital ngunit idineklara itong Dead on Arrival.

Humingi naman ng tulong ang mga pulis sa SOCO upang imbestigahan ang nangyaring insidente.(Remate News Team)