Dating PBB housemate nagsampa ng cyberlibel vs Rosmar

Dating PBB housemate nagsampa ng cyberlibel vs Rosmar

October 10, 2022 @ 7:20 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Nagsampa ng kasong multiple cyber libel case at unjust vexation ang dating Pinoy Big Brother housemate Glenda Victorio laban sa may-ari ng Rosmar Skin Essentials sa Quezon City Prosecutors Office kaninang umaga, Oktubre 10.

Nabatid sa mahigit 60-pahinang complaint affidavit, sinabi ng complainant na si Glenda Victorio, 25-anyos, may-ari ng beauty line na Brilliant Skin ng Manhattan Parkview Condominium Cubao, QC na sinampahan nya ng naturang kaso ang respondent na si Rosemarie Tan-Pamulaklakin aka “Rosemar” “Rosmar” ng Rosmar Skin Essentials dahil apektado na umano ang kanyang pamilya sa paninira nito sa online.

Ayon sa affidavit ni Victorio na hindi na maganda at nakakasira umano sa kanyang pagkatao ang umano’y ‘malicious’ at ‘defamatory’ na mga patutsada ni Tan-Pamulaklakin laban sa kanya sa social media.

Kaugnay nito sinabi pa ng complinant na ang pagdawit ni Tan-Pamulaklakin sa kanyang pamilya at tila mga pagbabanta nito na di umano’y below the belt na.

Anya kung humingi man ng tawad sa kanya si Tan-Pamulaklakin ay hindi niya pagbibigyan dahil sa matinding epekto ng paninira nito sa kanya at sa kanyang pamilya sa social media.

Samantala ayon pa sa complainant, wala siyang nalalaman na dahilan para siya ay siraan sa scoial media ni Tan at hindi rin niya kilala ang pagkatao ng akusado.

Kaugnay nito sinabi naman ng abogado ng complinant na si Atty. Gabriel Ilaya ng Tungol Tan Fordan Law Office, na hawak nila ang mga supesyenteng ebedensiya para maidiin sa kaso ang akusadong si Tan-Pamulaklakin. Santi Celario