Dating PGMA saludo sa mga guro

Dating PGMA saludo sa mga guro

October 5, 2022 @ 2:04 PM 6 months ago


MANILA, Philippines – Sinasaluduhan ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang mga Pilipinong guro ngayong World Teacher’s Day.

Sa isang maikling pahayag, pinasalamatan ni GMA ang mga guro sa pagdiriwang ngayong araw, Oktubre 5 na tinawag niyang “fountain of our youth’s lasting knowledge and skills.”

Bilang regalo ay inihain ni GMA ang panukalang batas na magsusulong upang maging “globally competitive” sa larangan ng science, technology at mathematics at ma-engganyo ang mga guro na mas lalong magsikhay ng mga kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng dagdag na insentibo.

Nakapaloob sa House Bill 487 na tatawaging “Developing Globally Competitive Science and Mathematics Teachers Act of 2022” na mailatag ang papasulong na “rewarding professional career for qualified science and mathematics teachers” sa bansa.

Sa ganitong paraan ayon sa panukala ay malilinang ang specialization ng mga science at math teachers upang manatili sa kanilang propesyon gayundin ang makumbinsi ang mga mag-aaral na maipagpatuloy ang kanilang karera sa pagtuturo ng matematika at siyensya.

Kabilang sa mahahalagang probisyon ng HB 487 ang pagbibigay ng scholarships at tuluy-tuloy na specialized trainings sa mga guro na ngayon ay nagtuturo na ng mathematics at science subjects, pagbibigay ng mas mataas na sweldo at ang pagbibigay kapahintulutan sa mga nagsipatapos sa kolehiyo na ang ituturong asignatura ay science at math bago pa man ang mga ito makapasa sa Licensure Examination for Teacher.

“In effect, this bill will ensure that teaching in the fields of science and mathematics will be as competitive as those of other professions, and thus increase the number of competent teachers who will prepare Filipinos for global excellence,” binigyang diin pa ni GMA.

Giit pa ni Senior Deputy Speaker Arroyo na walangkasing halaga ang importansyang ginagampanan ng mga guro sa buhay ng mga kabataang Pilipino kung kaya dapat lang na kahit sa mga ganitong okasyon ay masaduhan ang kabayanihan ng mga ito. Meliza Maluntag