Dating-pulis, patay sa riding in tandem

Dating-pulis, patay sa riding in tandem

August 3, 2018 @ 2:30 PM 5 years ago


Abra – Todas ang isang dating pulis makaraang tambangan ng riding in tandem sa Abra araw ng Biyernes

Nakilala ang biktimang si Teodoro Abuhan na binaril ng hindi pa nakikilalang salarin sa bayan ng La Paz.

Ayon sa La Paz Police, naglalakad lang ang biktima na kaniyang araw-araw nang ginagawa bilang ehersisyo nang siya ay tambangan.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente kabilang ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas kasama ang sakay ng motorsiklo. (Jeff Gallos)