Dating sexy star, timbog sa droga

Dating sexy star, timbog sa droga

June 22, 2018 @ 3:30 PM 4 years ago


 

Pampanga – Dahil laos na, nagtulak na lang ng droga.
Arestado ang isang dating sexy star at kanyang live-in partner matapos mahulihan ng droga sa San Fernando, Pampanga.
Sa bisa ng isang search warrant, hinalughog ng pulisya ang bahay ni Michelle Comstock o mas kilala sa screen name na Bridgette de Joya.

Dahil sa sumbong ng mga kabarangay, narekober sa bahay ni Comstock ang walong pakete ng hinihinalang shabu at mga gamit sa pagdo-droga.

Hinuli rin ng mga awtoridad ang kanyang kinakasamang si Marciano Tamacam na ayon sa pulisya ay kasama sa drug watchlist pati na ang dating sexy star.
Nakilala si Comstock bilang Bridgette de Joya sa mga bold films na gaya ng “Gigil” at “Kangkong”. (Remate News Team)