Dating sumuko sa droga, utas sa pamamaril

Dating sumuko sa droga, utas sa pamamaril

August 31, 2020 @ 11:23 AM 1 year ago


Bacolod City – Bumulagta ang isang lalaking dating sumuko sa mga awtoridad dahil sa pagkakulong sa droga matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang naglalakad sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Norman Sola, 48, residente ng Purok Sigay, Brgy. 2, Bacolod City.

Batay sa report ng Bacolod Police Station 2, naganap ang krimen kagabi sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon na naglalakad ang biktima, kasama ang tatlong kaibigan nang bigla na lamang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Matapos ang krimen ay mabilis na tumakas ang salarin bitbit ang ginamit na armas.

Hindi naman idinamay ng suspek ang tatlong kasama sa paglalakad ng biktima.

Isinugod sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital ang biktima pero idineklarang dead on arrival.

Nabatid na isang drug surrenderee si Sola at hindi sinabi sa report kung may kinalaman sa droga ang pamamaslang sa kanya. Mary Anne Sapico