Dating terorista patay sa pamamaril

Dating terorista patay sa pamamaril

September 25, 2022 @ 1:08 PM 2 months ago


CAMARINES SUR – Patay ang isang dating kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naglalakad sa kalsadang sakop ng Goa.

Kinilala ang biktimang si Reynante Clave, 45-anyos, residente ng Brgy. Lamon, Goa, Camarines Sur.

Batay sa report ng Goa Municipal Police Station, dakong 7:30 PM naganap ang krimen sa nasabing lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad lamang ang biktima sa harap ng Lamon Elementary School ng biglang dumating ang suspek.

Pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan habang mabilis naman tumakas ang suspek sa hindi malamang direksyon.

Napag-alaman na dating kasapi ng CTG ang biktima sa ilalim ng Jallores/Tomas Pilapil Command sa nabanggit na probinsya.

Sa ngayon inaalam na ng mga awtoridad kung may kinalaman ang pagkalas ng biktima sa nasabing grupo na posibleng motibo sa krimen. Mary Anne Sapico