Dating Tourism Sec. Teo, nanindigang malinis ang konsensiya

Dating Tourism Sec. Teo, nanindigang malinis ang konsensiya

July 12, 2018 @ 7:09 PM 4 years ago


Manila, Philippines –  Nanindigan si dating Tourism Secretary Wanda Teo na hindi siya pwedeng makasuhan ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices act.

“My conscience is clear. I am confident that during my stint as department secretary, I did not commit or knowingly allow any violation of the Anti-Graft Law, or any other law for that matter,” paliwanag ni Teo sa inilabas nitong pahayag.

Kasunod ito ng inilabas na report ng Commission on Audit kung saan lumalabas “liable of graft” si Teo dahil sa ad placements ng DOT noon sa BITAG Media na pag-aari ni Ben Tulfo, lalo’t makikitang may conflict of interest.

Kumbinsido rin si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na malaki ang maitutulong ng COA Report sa isinasagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman ukol sa mga kwestiyonableng transakyon na ginawa ni Teo noong siya pa ang DOT Secretary.

“It will certainly help us investigate the case but you know that we are not bound by the COA reports, but they will certainly enlighten us in our investigation,” ani Morales.

Nilinaw rin ni Morales na kahit pa isauli ang pera, hindi ito otomatikong mag-aabswelto kay Teo sa anumang kaso. (Remate News Team)