Datos ng Sinovac para sa pagbabakuna sa edad 13-17 kulang pa – FDA

Datos ng Sinovac para sa pagbabakuna sa edad 13-17 kulang pa – FDA

December 14, 2021 @ 8:14 AM 10 months ago


MANILA, Philippines – Kinakailangan pang magsumite ng mas maraming datos ang manufacturer ng Sinovac ukol sa epekto ng bakuna nito sa edad 3 hanggang 17 para sa aplikasyon ng emergency use authorization sa Pilipinas.

“May hinihingi pang clinical trial data, masyadong maliit ang sample size na kanilang sinubmit,” ani Food and Drug Administration Chief Eric Domingo.

“Kapag nakapag-submit ng updated data, ito ay rerebisahin uli ng ating experts para makita kung maaari na siyang payagan,” he added.

Matatandaang Hulyo pa nang nagsumite ang Chinese company ng amyenda para sa kanilang EUA sa Pilipinas kung saan pinalalawig nila ang pagbabakuna sa edad 3 hanggang 17.

Sa ngayon, naituturok lang ang bakuna sa edad 18-59. RNT