Davao City, insurgency-free na – Army

Davao City, insurgency-free na – Army

March 25, 2022 @ 10:10 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Makalipas ang ilang taon na pakikipaglaban sa communist insurgency, idineklara ng Philippine Army’s 10th Infantry “Agila” Division (10ID) na ‘insurgency-free’ ang Davao City.

Malinis na kasi ang lungsod mula sa presensiya ng komunistang New People’s Army (NPA).

Sa naging pagtitipon ng mga dating rebelde na nag-operate sa lungsod, sinabi ni Maj. Gen. Nolasco Mempin, 10ID commander, na na-managed ng tropa ng pamahalaan mapagtagumpayan ang deadline ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gawing “insurgency-free” ang Davao City.

“The army can finally move forward to doing more activities that promote patriotism and nation-building instead of fighting local wars. I am very glad to share this momentous victory, we achieved to clear the city of insurgencies ahead of the target deadline of the President,” ayon kay Mempin.

Ang Army-hosted event ay pagtitipon-tipon ng mga dating NPA combatants mula sa Sub-Regional Committee 5 (SRC 5), kinukunsiderang “most active NPA unit” sa bansa bago pa malansag ng puwersa ng pamahalaan.

Pinuri ni Mempin ang dating NPA fighters para sa desisyon nitong isuko ang kanilang armas at magsimula ng bagong buhay sa mainstream society.

Taong 2016, ang NPA’s SRC5 ay mayroong dalawang aktibong Guerilla Fronts at tatlong Pulang Bagani Command na nag-operate sa Davao Region.

Sa ginawang pagpapatupad ng Philippine Army sa Executive Order 70, na naglalayong i-institutionalize ang whole-of-nation approach sa pagtugon sa insurgency problem, “the NPA units began disintegrating, leading to the dissolution of the regional rebel apparatus in the Davao Region,” ayon kay Mempin.

Labis namang natuwa si Mempin nang makita nito na pumaimbulog ang
ecotourism ng lungsod kasabay ng paglansag sa local communist armed groups.

“As we continue to pursue our quest in attaining our vision of becoming a world-class army that is a source of national pride in 2028, we hope that you extend the same support and guidance that you have so generously shared as we also pursue our mission of ending the local communist insurgency in Southern Mindanao before the term of President Duterte ends,” anito.

Winelcome naman ni Lt. Gen. Ernesto Torres Jr. dating 10ID commander ang pagsuko ng mga NPA paramagbalik-loob sa batas.

“The greatest victory that we have is we are able to preserve lives. We were able to prevent further atrocities, further pain, especially to our guests (members of the SRC5), thank you for your decision to surrender. I am happy that I was able to experience this moment during my career to witness the fall of insurgencies,” ayon kay Torres.

Tiniyak din nito na gamit ang “proper treatment” na ibinibigay sa mga surrenderers, angmass surrender ng NPA rebels ay hindi lamang nangyayari sa Davao City.

“It’s not only a trend here, it is happening nationwide. You can be assured that the commitment of the Armed Forces of the Philippines will continue. We now have a government that really and truly cares, it is no longer necessary to bear arms against the government,” dagdag na pahayag ni Torres. Kris Jose