Davao City kabilang sa ‘shining beacons of progress’ ng Pinas- PBBM

Davao City kabilang sa ‘shining beacons of progress’ ng Pinas- PBBM

August 15, 2022 @ 3:32 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Davao City makaraang makasama at ituring na “shining beacons of progress”.

Ibinigay ang kredito sa mga Davaoeño na nagkaisa laban sa mga paghihirap na kinaharap ng bansa.

Sa kanyang naging mensahe sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival, sinabi ni Pangulong Marcos na ang okasyon ay isang paalala kung gaano kasaya ang okasyon na magbu-buklod at maglalapit sa mga Filipino.

Inilarawan naman niya ang Kadayawan Festival bilang paggunita sa “kasaganaan ” ng Davao City, oportunidad para ipakita ang “the best of what their hometown has to offer.”

“l could not help but admire the story that Davao City has written through the years, in which it has emerged as among the country’s shining beacons of progress. It is with no doubt that Davaoeños have embodied solidarity and contributed wholeheartedly in weaving their own tale of nation-building to bring their beloved city to where it is today,” pahayag nito..

Nanawagan naman si Pangulong Marcos sa mga Davaoeños na makiisa sa festival na may “gratitude for the bountiful harvest that has become a foundation of Davao’s “steadfast development.”

“May you all be blessed with continued success and prosperity as we unite towards achieving a better and brighter tomorrow,” dagdag na pahayag nito.

Ang Kadayawan ay isang pistang ipinagdiriwang sa lungsod ng Dabaw sa Pilipinas.

Ang pistang ito ay ipinagdiriwang sa ikatlong linggo ng Agosto.
Ang pangunahing layunin ng Pista ng Kadayawan ay upang gunitain ang pamanang kultural ng lungsod, ang seremonya ng pagbubukas ay binubuo ng isang pagtatanghal mula sa mga katutubo ng Davao. Sa gitna ng patuloy na paggawa ng makabago naming pamumuhay at ang patuloy na proseso ng globalization.

Ang Pista ng Kadayawan ang nagdadala sa mga Davaoeños na magtipon-tipon upang ipagdiwang ang kabutihan ng lupa at sa mismong mga tao. Gamit ang iba’t ibang mga kaganapan, makukulay, malaki at magandang parades, ang lokal ng Davao ay nakasisiguro na ang isang taunang pagdiriwang na ito ay sulit panuorin. Tingnan ang iba’t ibang kulay ng panlipi at ibat ibang mga kasuotan. Kris Jose