Davao de Oro niyanig ng M-5.9 quake

Davao de Oro niyanig ng M-5.9 quake

March 7, 2023 @ 3:56 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Davao de Oro nitong Martes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang lindol kaninang alas-2:02 ng hapon, kung saan ang epicenter ay nasa 07.50°N, 126.20°E – 008 km S 52° E ng munisipalidad ng New Bataan.

May lalim itong 10 kilometro at tectonic ang origin.

Naramdaman din ang lindol sa mga sumusunod na intensities:

  • Intensity V – Maco, Maragusan, Nabunturan, New Bataan, and Pantukan, Davao de Oro

  • Intensity IV – Monkayo, Davao de Oro; City of Tagum, Davao del Norte; City of Bislig, Surigao del Sur

  • Intensity III – Santa Cruz, Davao del Sur; City of Davao; City of Mati, Davao Oriental

  • Intensity II – City of Cagayan De Oro; Antipas, Carmen, and City of Kidapawan, Cotabato; Columbio, Sultan Kudarat

  • Intensity I – Aleosan, Cotabato; Esperanza, Lutayan, and President Quirino, Sultan Kudarat 

Sinabi ng PHIVOLCS na walang inaasahang pinsala o aftershocks. RNT/SA