Davao de Oro niyanig ng M-6 quake
February 2, 2023 @ 6:45 AM
2 months ago
Views: 191
Shyr Abarentos2023-02-02T09:06:48+08:00
MANILA, Philippines- Tumama ang magnitude 6 earthquake sa New Bataan, Davao de Oro nitong Miyerkules ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Batay sa earthquake bulletin nito, ang epicenter ng lindol ay 12 kilometers N 29° E ng New Bataan, Davao De Oro.
Naganap ang lindol na nag-downgrade mula sa magnitude 6.1, dakong alas-6:44 ng gabi.
May lalim din ang tectonic earthquake na 27 kilometer.
Sinabi ng PHIVOLCS na naramdaman ang intensities sa mga sumusunod na lugar:L
-
Intensity V – New Bataan, Davao de Oro
-
Intensity IV – City of Davao; City of Bislig, Surigao del Sur
-
Intensity III – Damulog, Kadingilan, Kalilangan, Libona, Pangantucan, and Talakag, Bukidnon; City of Cagayan De Oro; Cagwait, and Hinatuan, Surigao del Sur
-
Intensity II – President Roxas, Capiz; San Francisco, Southern Leyte; City of El Salvador, and Villanueva, Misamis Oriental; Aleosan, Antipas, Arakan, Carmen, Kabacan, City of Kidapawan, Libungan, M’lang, Magpet, Makilala, Matalam, Pikit, and Tulunan, Cotabato; City of Koronadal, South Cotabato; Kalamansig, Sultan Kudarat; City of Cotabato
-
Intensity I – Esperanza, and City of Tacurong, Sultan Kudarat
Samantala, naiulat naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
-
Intensity V – Nabunturan, Davao de Oro
-
Intensity III – City of Davao; Kidapawan City, Cotabato; Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato; Bislig City, Surigao del Sur
-
Intensity II – Cabadbaran City, Agusan del Norte; Libona and Malaybalay, Bukidnon; Don Marcelino, Davao Occidental; Abuyog, Leyte; San Francisco, Southern Leyte; Cagayan de Oro, Misamis Oriental; Malapatan, Glan, and Kiamba, Sarangani; Norala, General Santos City, Koronadal City and Tampakan, South Cotabato; Tandag, Surigao del Sur
-
Intensity I – Alamada, Cotabato; Baybay and Dulag, Leyte; Cagayan de Oro, Misamis Oriental; Maitum, Sarangani; Suralla, Santo Nino, T’Boli, and Tantangan, South Cotabato; Saint Bernard, Southern Leyte; Columbio, Sultan Kudarat; Surigao City, Surigao Del Norte
Sinabi ng PHIVOLCS na inaasahan ang pinsala at aftershocks kasunod ng lindol. RNT/SA
March 30, 2023 @4:36 PM
Views: 17
MANILA, Philippines- Muling pinagtibay ng Japan ang suporta nito sa posisyon ng Pilipinas hinggil mga maritime issues, lalo na pagdating sa sitwasyon sa West Philippine Sea, ayon sa Department of Foreign Affairs nitong Miyerkules, Marso 29.
Ayon sa DFA, ang naturang pagsuporta ay nabanggit sa ikalimang maritime dialogue ng Pilipinas at Japan sa Tokyo.
“The delegations exchanged views on issues of mutual interest; particularly the situation in vital waterways of the West Philippine Sea, Luzon Strait, Sulu-Celebes Seas, and the East China Sea; regional efforts to maintain peace and stability; and climate change,” pahayag ng departamento.
Dagdag pa ng DFA, muling kinumpirma ng Japan ang pugsuporta nito sa 2016 Arbitral Award on the South China Sea, kung saan tinukoy na hindi naaayon sa batas ang mga ginagawa ng China sa West Philippine Sea – kabilang na ang pagpapatupad ng nine-dash line, at land reclamation sa mga isla na sakop pa ng Pilipinas.
Pinamunuan ang nasabing dialogue nina DFA Assistant Secretary for Maritime and Ocean Affairs Maria Angela Ponce at Deputy Director General Hayashi Makoto ng Japanese Ministry of Foreign Affairs’ Southeast and Southwest Asian Affairs Department.
Kasama rin ni Ponce ang mga kinatawan ng Department of National Defense, Department of Transportation, National Security Council, Philippine Coast Guard, Philippine Space Agency, at National Mapping and Resource Information Agency. RNT
March 30, 2023 @4:24 PM
Views: 13
MANILA, Philippines- Nanawagan si Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Huwebes sa The Outstanding Young Men (TOYM) for 2022 na ipagpatuloy ang kanilang adbokasiya at gawin ang Pilipinas na “land worth living in and loving.”
Si Bersamin ang guest of honor at speaker sa awarding ng TOYM 2022 sa Malacañang Palace.
“And so I raise a challenge not only to the 10 of you awardees, but as well to the countless others who had been so honored before you, to keep up the excellence you have shown,” bahagi ng talumpati ni Bersamin.
“It is encouraging for me to note that many of you do not consider financial success as the ultimate measure of achievement. Because to you, it is rather the lives you have improved and positively affected that matter above all.”
“The world must be preserved through peace and harmony and kept safe for generations to come. Continue to be relevant. Continue to do more. Continue your advocacies and make our country a land worth living in and loving,” patuloy niya.
Sinabi ni Bersamin sa awardees hindi dapat maging finish line ng kanilang pagsisikap sa kani-kaniyang larangan at adbokasiya ang seremonya.
“Our country desires you to continue individually in the fields [in which] you have been recognized today. Better still, I urge you to act as one group of inspiration and motivators for others,” pahayag niya.
Kabilang sa recipients ng TOYM 2022 ang mga sumusunod:
-
Dr. Paul Gideon Lasco: a physician and expert in medical anthropology, for Education and the Academe;
-
Manix Abrera: creator of Kikomachine Komix, for Literature, Culture and the Arts;
-
Dr. Beverly Lorraine Ho: Department of Health (DOH) Assistant Secretary and Director of Public Health Services Team (PHST), for Health and Medicine;
-
Dr. Ramon Lorenzo Luis Guinto: one of the world’s pioneers in the new field of planetary health, for Health and Medicine;
-
Dr. Ronnie Baticulon: a pediatric neurosurgeon, for Health and Medicine;
-
Rico Ancog: an environmental educator, for Education and the Academe;
-
Victor Mari Baguilat Jr.: founder of the social enterprise Kandama, for Literature, Culture and the Arts;
-
Kristian Cordero: a Bicolano writer and filmmaker, for Literature, Culture and the Arts;
-
Shawntel Nicole Nieto: founder of One Cainta Program, for Humanitarian, Civil Society or Voluntary Leadership;
-
Joanne Ascencion Valdez: a city councilor of Candon, Ilocos Sur, for Humanitarian, Civil Society or Voluntary Leadership
Ang TOYM ay annual recognition sa mga Pilipino, edad 18 hanggang 40 na malaki ang kontribusyon sa kani-kaniyang larangan. RNT/SA
March 30, 2023 @4:12 PM
Views: 22
MANILA, Philippines- Isinasailim na sa mga pagbabago ang immigration procedures bunsod ng sunod sunod na reklamo ng mga pasahero laban sa mga umano’y abusadong tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa NAIA.
Tiniyak ng Department of Justice (DOJ) na hindi nito palalampasin kung mapatutunayan na nagpakita ng hindi tamang asal ang mga Immigration officer sa pagganap sa kanilang tungkulin sa pag-screen sa mga papaalis na pasahero.
Gayunman, binigyan-diin ng DOJ ang kahalagahan ng laban kontra human trafficking.
Ayon sa DOJ, kasalukuyang nirerebisa ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang Departure Formalities upang mapaayos ang usad sa mga immigration counters at maiwasan na ang abala sa mga biyahero dahil sa ipinaiiral na Departure Formalities.
Naniniwala ang kagawaran na nagiging malikhain na ang mga human trafficker sa kanilang modus upang maipuslit palabas ng bansa ang mga nagiging biktima kung kaya mahirap matukoy ang regular na pasahero sa biktima ng human trafficking.
Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng departure formalities, nasa 6,788 na biyahero mula sa kabuuang 1,056,247 ang naapektuhan mula Enero hanggang Pebrero 2023.
Magugunitang inireklamo ng ilang biyahero ang sobrang tagal ng pagtatanong ng mga Immigration officers kung kaya naiiwan sila ng sasakyang eroplano. Teresa Tavares
March 30, 2023 @4:00 PM
Views: 41
MANILA, Philippines- Isang 65-anyos na dating politiko ang kaagad na binawian ng buhay makaraang pagbabarilin ng hinihinalang tandem, sa Barangay San Nicolas, Gapan City, Nueva Ecija nitong Miyerkules, March 29.
Sa ulat na nakarating kay Nueva Ecija director, P/Col. Richard Caballero, kinilala ang biktima na si Zaldy Matias y Gonzaga, may asawa, residente ng #149 Libis Drive, Brgy. San Nicolas, nasabing lungsod.
Sa inisyal na imbestigayon, lumabas na dakong alas-7:30 kagabi nang mangyari ang pamamaril.
Diumano ay kasalukuyang nakaupo ang biktima sa harapan ng kanyang bahay nang bigla umanong pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek.
Ganap naman na alas-8:20 ng gabi nang makarating sa tanggapan ng Gapan City police ang impormasyon hinggil nangyaring krimen.
Kaagad rin na kumilos ang kapulisan upang i-verify ang nabatid na insidente ng pamamaril sa nabanggit na barangay.
Naisugod pa ang biktima sa ospital subalit kaagad ring binawian ng buhay.
Si Matias ay dating board member sa ika-apat na distrito, taong 2007-2010; at dati ring naging miyembro ng Sanguniang Bayan, taong 1998-2007.
Sa isinagawang imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), matapos umano ang pamamaril ay mabilis naman na nagsitakas ang mga suspek.
Patuloy naman na nagsasagawa ng mga interview mula sa mga umano’y nakasaksi sa pangyayari at pangangalap umano ng mga CCTV footages para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga nakatakas na suspek. Elsa Navallo
March 30, 2023 @3:52 PM
Views: 23
MANILA, Philippines- Naghayag ng pagsuporta ang gobyerno ng Pilipinas para sa pag-endorso ng Estados Unidos ng Summit for Democracy Declaration.
Iyon nga lamang, kaagad na inihiwalay ng Pilipinas ang sarili nito mula sa anumang reference sa International Criminal Court (ICC).
Sa isang kalatas na may petsang Marso 29, ang Pilipinas, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs, nakiisa sa Estados Unidos at iba pang bansa sa pagsuporta sa nasabing deklarasyon, sabay sabing ito’y isang “testament to our unwavering commitment to upholding our democratic values and principles and to strengthening our democratic institutions for the benefit of the Filipino people.”
Subalit, inihiwalay na kaagad ng Pilipinas ang sarili nito mula sa “Declaration’s reference to the International Criminal Court (ICC).”
“While the current language provides a qualifier that the ICC’s role may be acknowledged provided it abides by the principle of complementarity, the Philippines’ earlier decision to withdraw from the ICC was precisely because the Court failed the test of complementarity,” ayon sa Pilipinas.
Ayon naman sa report ng Reuter, inanunsyo ni US President Joe Biden ang bagong funding para palakasin ang demokrasya sa buong mundo at maging ang tulungan na labanan ang korapsyon, suportahan ang malaya at patas na eleksyon at isulong ang teknolohiya na sumusuporta sa democratic governments.
Ito’y unang inendorso ng 73 bansa.
Sinabi ng report na “Twelve of those dissociated themselves from parts of the text, including India, Israel and the Philippines, which all opted out of a part backing accountability for human rights abusers and acknowledging the importance of the International Criminal Court.”
Pinanindigan naman ng Pilipinas na hindi nito kinikilala ang kapangyarihan ng ICC.
Binigyang diin nito at iginiit ang hurisdiksyon ng pamahalaan na mag-imbestiga at mag-prosecute ng mga krimen kabilang na ang di umano’y committed sa gitna ng bloody campaign laban sa illegal drugs.
Matatandaang, kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute, nagtatag ng ICC, noong Marso 2019, sa ilalim ng liderato ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, naglunsad ng giyera laban sa ilegal na droga.
“The (Philippines) maintains that the rule of law and accountability are fully functioning through its criminal justice system and efforts to improve mechanisms, such as the AO35 Mechanism,” ayon sa DFA.
“The (Philippines) upholds its commitment to fight impunity for atrocity crimes, notwithstanding the country’s withdrawal from the Rome Statute, especially since the Philippines has a national legislation punishing atrocity crimes,” dagdag na wika nito.
Samantala ang DOJ, sa ilalim ng liderato ni dating Secretary Menardo Guevarra, ngayon ay Solicitor General, ay nagpahayag na ang AO35 ay nakatuon sa “resolving cases of political violence such as extrajudicial killings, enforced disappearances, and torture, among other similar grave human rights violations.” Kris Jose