Davao del Sur niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

Davao del Sur niyanig ng magnitude 5.3 na lindol

October 24, 2022 @ 1:13 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang Davao del Sur nitong Lunes, Oktubre 24.

Ito ang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saan ang sentro ng lindol ay naitala 16 na kilometro timog-kanluran ng Davao City, Davao del Sur.

Tumama ito pasado alas-10 ng umaga at naramdaman ang Intensity III ng lindol sa Malungon, Sarangani, at Intensity II naman sa Don Marcelino at Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Samantala, Intensity II naman ang naitala sa instrumental intensities sa Don Marcelino at Jose Abad Santos, Davao Occidental at Santo Niño, South Cotabato.

Intensity I sa Alabel at Malapatan, Sarangani; Tupi at General Santos City sa South Cotabato, at Kidapawan City sa Cotabato.

Tectonic in origin ang lindol na nangangahulugang dahil sa paggalaw ng isang aktibong fault malapit sa lugar.

Inaabisuhan ng Phivolcs ang publiko na maging handa sa mga posibleng aftershocks. RNT/JGC