Davao del Sur pinasok ng bird flu; 3,000 pato pinatay

Davao del Sur pinasok ng bird flu; 3,000 pato pinatay

April 5, 2022 @ 7:00 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng agriculture officials ang pagkalat ng avian flu o mas kilalang bird flu sa mga pato sa bayan ng Magsaysay sa Davao del Sur nitong Lunes, Abril 4.

Sinabi ni Helen Carampatana, ang municipal agriculturist ng Magsaysay, Davao del Sur na nagsagawa ng blood sampling sa mga infected na ibon noong Marso 9 kung saan napatunayang ang mga sample na kinuha sa mga ibon sa Barangay San Isidro ay napatunayang positibo sa kinatatakutang Avian Influenza (AI) na kilala rin bilang H5N1 ayon kay Anthony Allada, Magsaysay town information officer.

Umabot naman sa 3,008 na pato ang na-culled at maayos na itinapon upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Nagmula umano ang mga pato sa bayan ng Pangulong Quirino sa Sultan Kudarat, lalawigan ng Maguindanao, ayon kay Allada.

Agad na ipinag-utos ni Magsaysay town Mayor Arthur Davin ang mahigpit na pagbabantay sa lahat ng borders ng lugar, at ang pagsubaybay sa paggalaw ng mga domestic at wild na ibon na papalabas ng bayan. RNT