Davao Occidental ginising ng M-5.3 quake

Davao Occidental ginising ng M-5.3 quake

March 16, 2023 @ 7:14 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Sarangani Island, Davao Occidental nitong Huwebes ng umaga, base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naitala ang lindol kaninang alas-5:25 ng umaga na may lalim na 13 kilometers at tectonic ang origin.

Wala namang inaasahang pinsala subalit maaaring magkaroon ng aftershocks, batay sa ahensya. RNT/SA