Davao Occidental niyanig ng M6.5 lindol

Davao Occidental niyanig ng M6.5 lindol

January 22, 2022 @ 11:38 AM 9 months ago


Manila, Philippines – Niyanig ng magnitude 6.5 lindol ang Sarangani sa Davao Occidental kaninang umaga, batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Naramdaman ito bandang 10:26 a.m. at may episentrong 03.70°N, 126.66°E – 234 km S 36° silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.

Habang may lalim naman itong 66 kilometro.

Nagbabala rin ang Phivolcs sa pinsala at aftershock.

“No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” dagdag pa ng departamento. RNT/FGDC