Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

October 19, 2022 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Davao Occidental ngayong Miyerkules, Oktubre 19.

Ito ang sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saan naitala ang pagyanig 1:14 ng madaling araw.

Ang sentro nito ay nasa layong 296 kilometro timog-silangan ng Balut Island, Sarangani sa Davao Occidental.

Tectonic in origin ang nangyaring lindol at may lalim na 206 kilometro.

Sinabi naman ng Phivolcs na walang inaasahang aftershock o pinsala dulot nito. RNT/JGC