Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.2 na lindol

October 14, 2022 @ 10:40 AM 2 months ago


DAVAO OCCIDENTAL – Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Davao Occidental nitong Biyernes, Oktubre 14.

Ito ay ayon sa impormasyon mula sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saan tumama ang lindol 2:16 ng madaling araw.

Naitala naman ang sentro ng lindol 205 kilometro timog-silangan ng Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 40 kilometro at tectonic in origin.

Wala naman naiulat na intensity at walang inaasahang aftershock at pinsala dulot ng lindol. RNT/JGC